“Masining at Malikhain” iyan ang pinatunayan ng organisasyon ng “PLP Visual Art Club” sa kanilang kauna-unahang pagtatanghal kasama ang mga propesyonal na miyembro ng Pasig Art Club noong ika-28 ng Setyembre, taong kasalukuyan. Sa temang “BalikTanaw”: Isang pagtatanghal sining sa lingo ng kasaysayan, ay ipinakita ng mga kasaping PLP Visual Art Club ang kanilang talento at kakayahan sa larangan ng sining na siyang bunga ng apat na magkakasunod na workshop tuwing sabado na sinimulan noong Agosto 10 hanggang 24, kung saan sinubok hindi lamang ang kanilang kakayahan kundi pati narin ang responsibilidad bilang isang founding member ng organisasyong ito.
Samantala, sinimulan ang pagdaraos ng pagtatanghal sining na ito sa makabuluhang pambungad na pananalita ng president ng ating pamantasan na si Dr. Amihan April Alcazar at sinundan ng pagpapakilala sa exhibit sa pangunguna ng isa sa mga propesyonal na miyembrong Pasig Art Club at isa rin sa mga Board of Regents ng ating pamantasan na si Arch. Horacio Dimanlig. Matapos ang pambungad na pananalita ay ipinakilala ni G. Gelo Domingo, isa ring miyembro ng Pasig Art Club, ang siyam na nakapasa sa eliminasyon ng PLP-Visual art Club nasila; RhazelArao (BSHM), Ar John Marcial (BSED), Evee Montero (BSN), Abigail Mejia (BSMATH), Rovie Monilla (BSBA), Raniel Cabrera (BSENT), Mary Ann Marquez (BSENT), FlorizzaPescasio (BS Accountancy) at Jayson Rey Sto. Nino (BSENT). Ang pagtatanghal sining na ito ay nagsilbi ring paglilipat ng tiwala at tungkulin sa siyam na natatanging miyembro ng PLP-VAC bilang isang mag-aaral ng pamantasan na magpapaunlad at magtataguyod sa sining. Tinapos ang programa sa magandang pangwakas na pananalita ng kasalukuyang presidenteng Pasig Art Club na si Ms. LhenCruzat at sinundan ng ribbon cutting na siyang naging hudyat sa opisyal na pagbubukas ng exhibit. by Raniel Cabrera
|